Dahil kwento naten 'to. Kwento ng sistemang ginagalawan naten. Narinig na naten ang mga kwentong gaya nito - sa mga kapitbahay, sa mga chismis sa barangay, sa mga tito't tita naten, sa TV. Pamilyar ang kwento ng pulis na may adik na anak. Ang kwento ng mga Chinese drug lord. Ang mga congressmang leader ng sindikato. Gusto nateng maniwalang may mga pulis na may integridad. Na may mga NBI agents na naghahanap ng sapat na ebidensiya para sa katotohanan. Alam naten ang mga tagpi-tagping kwentong 'to.
Sa OTJ, tinahi ang lahat ng mga tagpi-tagping kwentong 'to. Ang linis ng pagkakatahi. Iniluwal ang isang kwentong magbibigay pag-asa sa konsepto naten ng box-office - na pwede itong mabago. Isang kwentong hindi iniluwal base sa pilosopiyang ang pangalan ng kung sinong artista LAMANG ang magdadala, ang magpapaganda sa isang pelikula. Isang kwentong lapat sa buhay, sa katotohanan. Kwentong alam mong ginagalang ang oras ng mga manunuod at ang perang pinaghirapan pambili ng ticket. Dahil alam mong ineffortan ang research - mula sa manunulat at direktor hanggang sa mga artista. 'Wag mo na lang pansinin ang sablay na mga bitaw ni Gerald Anderson ng "putang-inoh". 'Wag mo na lang kutyain yu'n at ma-aapreciate mo na para sa isang epitomiya ng ABS-CBN brand: amboy na poging matinee idol - ang tapang niya para isiping mabibigyan niya ng hustisya ang isang karakter na lahat tayo ay nakaka-relate. Ang karakter na sumasalamin sa kalagayan ng maraming kabataan: nakakulong. Walang oportunidad. Malibog. Kapit sa patalim. Pero yumayabang 'pag may kinakapitan. Lito at naghahanap ng "tatang" na magbibigay ng direksyon. Na tulad ng kalidad (o kawalan ng kalidad, depende sa opinyon mo) na ipinakita ng acting ni Gerald Anderson, ay may pag-asa. Kumakapit tayo sa pag-asang 'to...para? Matraydor? Binigyang hustisya ng acting ni Gerald Anderson ang pagka-uhaw naten sa hustisya.
Hustisya. Dahil dito kaya kelangan mapanuod ng mga Pilipino ang pelikulang OTJ. Napapanahon lalo na ngayong kolektibo nateng isinisigaw ang hustisya laban kay Napoles sampu ng mga congressmen at senador na kakunchaba niya. Hustisya laban sa sistemang patuloy tayong ginagago.
Ipinakita ng OTJ ang detalye ng sistemang 'to. Binigyang mukha ni Leo Martinez - in his classic Leo Martinez acting na hindi mo alam kung nagpapatawa pa rin ba o nang-aasar - ang ulo ng makapangyarihang sistema. Nakakaasar, buyset! At nakakatawa na si Joey Marquez ang mukha ng matinong pulis. Si Joey Marquez kase yu'n! Yung "fuck you" niya ba ay para sateng mga manunuod na iniisip na, "si Joey Marquez kase yu'n!"? Pero kung ano man, gets naten. Dama naten yun'g fuck you na yu'n. Yu'n na yu'n ang gusto nateng sabihin - sa gobyerno ba, sa sistema, sa isa't-isa?
Kelangan mapanuod ng mga Pilipino ang OTJ. Kelangan hindi ito makulong sa usapan ng mga (pa)intellectual na indie film enthusiasts na maipapaliwanag kung bakit ang talino ng pagkakagawa sa pelikula. Ang talino ng pagkaka-dirihe, ng camera language, ng cinematography, ng scoring, ang (literal na) halaga ng production value. Hindi dapat makulong sa grupo ng mga audience na ikakabit ang "auteur" sa pangalan ni Direk Erik Matti a la Quintin Tarantino meets Spike Lee. Hindi lamang dapat sa kanila. Kundi sa kalakhan ng masang pelikulang naki-chismis sa marketing ploy ng Piolo-Shaina issue. Sa kalakhan ng masang Pilipinong humaling na humaling kay Papa P. Naman kase, tanginang mukhang naman kase ya'n. Sa'n bang hulmahan ng Diyos nanggaling ang matamis na ngiting ya'n? Ang makalaglag panty na pangang ya'n? Kelangan maintindihan ng kalakhang masang Pilipino kung bakit nga ulet walang kupas si Piolo. At kung bakit, siya ang magsasalba saten!
Kelangan mapanuod ng mga Pilipino ang OTJ dahil kay Joel Torre..si tatang! Ya'n ang acting. Ya'n, ya'n na ya'n! Ya'n ang pamantayan ng artistang alam ang ginagawa niya. Kelangan mapanuod naten ang lebel ng ganyang acting para hindi na tayo muling mauto. Para hindi na umubra ang lapsaw ng kinang ng showbiz. Para pagdating ng MMFF, di tayo magsasayang ng oras pumila ng milya milya para sa isang franchise na 48 years ng ini-stretch ang kwento. Enteng Kamote, Tanginamoh, Sisterchaka at kung anik-anik na kwento tungkol sa kabitan at palitan ng ka-romansa. Pweh.
Sa kabila ng nakakasurang machismo at nagsusumigaw na sexism ng pelikula, kelangan mapanuod ito ng mga Pilipino. Para mas maintindihan na ang isa sa mga dahilan ng kabulukan ng sistema ay ito mismo: itong machoshit at kapyudalan ng lipunan na lasang-lasa din sa pelikula. At na kung bakit kelangan pataasin ang diskurso ng pelikulang Pilipino sa mismong lebel ng idelohiya ng mga film makers. Ang, halimbawa ay, diskurso sa kakulangan ng sensibilidad sa gender semiotics. Paano ine-empower ang mga kababaihan at kabaklaan ng mga cliche na simbolo at eksenang patuloy nateng ipinapalaganap tungkol sa kanila? Binabato at sinisigawan'pag makupad magluto? 'Pano pinapanatili ang kultura ng violence against women kung sa mga pelikula ay pinapakita na napaka-normal na ang mga babae ay pang-kama at pang-kusina lamang? (O pang-kotche tulad ni Ma'am Thelma.) Kelangan pataasin ang diskurso para patuloy na mapalawak ang representasyon ng iba't-ibang sensibilidad sa mga pelikula. Okay, malalim na 'to. Pero ito na nga rin ang point: kelangan mapanuod ng mga Pilipino ang OTJ para mabigyang lalim ang pag-intindi naten, higit sa lahat, ang pag-intindi naten sa ating mga sarili. Hindi kasing lalim ng mga hifalutin analysis ni Tito Boy, kundi lalim na simple pero rock - dahil nararanasan naten sa araw-araw.
Kelangan mapanuod ng mga Pilipino ang OTJ. Pwede naman pala tayong mabigyan ng ganitong klaseng pelikula gamit ang makinarya ng isa sa pinakamalaking corporate media: ang ABS-CBN. Pwede naman pala, bakit kung anu-anong basura ang nagba-box office sa takilya?
Sa lahat ng mga dahilang 'to at sa mga dahilang mapagtatanto mo 'pag napanuod mo ang pelikula...kaya dapat mapanuod ng malawak na madlang Pilipino people ang pelikulang OTJ. Nuod na!

All credits go to: http://www.youtube.com/user/ABSstarcinema?feature=watch